18,937 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA NGAYONG ARAW; OCTA RESEARCH, SINABING BUMABABA NA ANG SURGE SA METRO MANILA

Spread the news on

Muling bumaba ang kaso ng Covid-19 ngayong araw, September 20.

Ayon sa Department of Health, mayroong 18,937 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.

Mayroon namang naitalang 20,171 na gumaling at 146 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% (176,850) ang aktibong kaso, 91.0% (2,171,832) na ang gumaling, at 1.55% (36,934) ang namatay.

Samantala, iniulat din ng OCTA Research Group na bumababa na ang COVID-19 surge sa Metro Manila, pero maituturing pa rin itong “high risk” o mataas pa rin.

Base sa datos na sinuri ng OCTA, umaabot sa 5,136 ang average na arawang COVID-19 cases ang naitatala sa National Capital Region mula September 14 hanggang 19.

Ito ay mas mababa ng 13 porsyento sa naitalang arawang kaso na 5,916 cases noong September 6 hanggang 12.

“The reproduction number in the NCR (National Capital Region) decreased to 1.14, from 1.37 just a week ago, moving it closer to 1,” dagdag pa ng OCTA.

Bumaba rin sa 23 percent mula sa 25 percent ang seven-day positivity rate sa NCR.

Muli namang iginiit ng OCTA na naabot na ang peak ng COVID-19 sa Metro Manila dahil nagkakaroon na umano ng indikasyon nang pagbaba ng mga kaso.

“While the changes in the reproduction number and growth rate indicate an improving trend, it must be emphasized that the surge in the NCR is still at a very high level, as indicated by an incidence rate (ADAR) of 36.77 per 100,000 per day, which is considered critical per Covid Act Now guidelines developed with Harvard Health Institute,” ayon pa sa OCTA.

Sa pagtatala ng OCTA maaaring makapagtala ng hanggang sa 4,000 COVID-19 cases sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng September at bababa ito sa 2,000 average na kaso sa October.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(with report from Toni Tambong)


Spread the news on

Other posts you might like: